Inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na boboto ito ng pabor sa panukala para sa pagbuhay ng Reserve Officers’ Training Corps program sa bansa.
Saad pa ng Senador na magpapasa ng panukalang batas ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso para sa modified ROTC program na aakma sa makabagong pagsasanay.
Ibinahagi din ng Senador na siya mismo ay dumaan sa ROTc program at marami siyang natutunan mula sa kaniyang karanasa at humubog sa kaniya para maging mas mabuting tao.
Inamin din ng Senador na bagamat pangunahing may-akda ng National Service Training Program Law ay maraming loopholes ang naturang programa.
Aniya, marami sitang kilala na hindi nagserbisyo sa NSTP na dinaan sa palakasan para mabigyan sila ng passing rate sa NSTP kayat maraming nakakalusot at walang natututunan.
Binigyang diin din ng Senador ang kahalagahan ng ROTC program na tutugon sa modernong warfare gaya ng cybersecurity.
Sa kasalukuyan, pinagdedebatehan sa plenaryo ng Senado ang panukala para sa pagbuhay ng mandatoryong ROTc program sa bansa na isa sa priority measures ng Marcos administration.
Matatandaan na una ng binuwag ang mandatory ROTC program noong 2002 matapos na mapatay ng ROTC handlers ang isang UST student na si Mark Wilson Chua nang isiwalat nito ang korupsiyon sa ROTC Corps.