-- Advertisements --

Ipinapaubaya na ni Senate President Juan Miguel Zubiri kay Pang Fedinand marcos Jr. kung tuluyan bang ipapatigil ang operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ito ay sa gitna ng iba’t-ibang mga krimen na kinasasangkutan ng mga ito, habang nagpapatuloy ang operasyon dito sa bansa.

Ayon kay SP Zubiri, kailangan na ng pinal na desisyon ukol sa operasyon ng mga ito, dahil sa matagal nang nakaka-apekto ang kanilang operasyon sa imahe ng Pilipinas.

Kung magdedesisyon ang pangulo na ipatigil na ang kanilang operasyon, isang malaking hamon dito aniya ay ay kung gaano katagal ang pagpapatigil, o kung gagawin ba itong minsanan o paunti-unti.

Kung ang magiging desisyon aniya ay i-regulate ang operasyon ng POGO, kakailanganin din ng Kongreso na gumawa ng mga batas na magtitiyak sa maayos na tax collection sa mga ito, tamang lugar kung saan sila mag-operate, at regular na review sa kanilang mga empleyado at transaction.

Kailangan na rin aniya ng batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga POGO-related crimes, oras na ito ang magiging desisyon.

Matatandaang ilang operasyon na ang ikinasa ng pulisya at iba pang law enforcement agencies na ikinabuniyag ng maraming mga POGO operations sa bansa, kung saan ang iba rito ay lumalabas na nasasangkot din sa human trafficking.