-- Advertisements --

Sa loob ng 24 oras ay magsisimula na ang ikalawang impeachment trial laban kay dating U.S. President Donald Trump kasabay nang pagkakaroon ng kasunduan ng mga Senate leaders hinggil dito.

Binigyan ng 16 na oras ang impeachment managers at mga abogado ni Trump pang iprisenta ang kanilang kaso at gumawa ng option para sa isang debate o kaya ay magpatawag ng mga witnesses sa oras na hilingin ito ng House impeachment managers.

Inanunsyo kahapon Senate Majority Leader Chuck Schumer na may napagkasunduan ng trial rules sa pagitan ng Senate Republican at Democrats. Gayundin ang House managers at legal team ni Trump.

Nakatakda namang bumoto ngayong araw ang senado at magkakaroon ng four-hour debate upang patunayan ang constitutionality ng nasabing proceeding.

Una nang nagpalitan ng pretrial legal briefings ang mga abogado ng dating U.S. president at House managers bago pa man simulan ang pagdinig.

Sisimulan ng House managers sa Huwebes, araw sa Pilipinas, ang naturang presentasyon