-- Advertisements --

Nagpaalala ang Senate impeachment court na maaari itong magpataw ng contempt sa sinumang lalabag sa mga tuntunin nito.

Ayon kay Impeachment court spokesperson Atty. Reginald Tongol, may kapangyarihan ang senator-judges para hilingin sa presiding officer na i-cite in contempt ang sinumang kalahok kabilang na ang testigo, counsel o indibidwal na nasa loob ng korte na gumagawa ng ingay sa takbo ng paglilitis.

Maaaring magresulta ito sa pagkakakulong, multa, o pagpapatalsik sa mismong bulwagan ng Senado.

Gayunpaman, sinabi ni Atty. Tongol na kailangang simulan o ihain muna ito ng isang panig o ng isang senator-judge bago makakilos ang korte sa kabuuan nito, dahil ang hukuman ay passive sa ganitong mga usapin.

Sa ngayon, mayroon pang natitirang 86 na trial days sa impeachment proceedings ni Vice President Sara Duterte.