Minaliit ng Makabayan bloc sa Kamara ang resulta ng pagdinig ng Senado hinggil sa sinasabing recruitment ng mga guro sa ilang estudyante para sumali sa mga rebeldeng grupo.
Nanindigan ang mga kongresista laban ulat ng isang Alvin Torrero na dati umanong recruiter ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, isang kaso na naman ng “red-tagging” ang ginagawa ng gobyerno.
Hindi raw ito nalalayo sa pag-uugnay ng pamahaalan sa oposisyon at mga NPA.
Humarap sa press conference ng Makabayan si Alicia Lucena na anak ng inang emosyonal sa pagdinig ng Senado.
Ayon kasi sa ina nito, sapilitang siyang sinali sa hanay ng mga rebelde.
Niilinaw ng mag-aaral na totoong naglayas siya sa kanilang bahay pero hindi umano totoong miyembro siya ng NPA.










