-- Advertisements --
poe
Philippine Senator Grace Poe gestures as she speaks to her supporters to declare her presidential candidacy in Manila on September 16, 2016. The adopted daughter of Philippine movie stars launched her presidential campaign on September 16, banking on her parents’ celebrity status to catapult her past the nation’s most powerful politicians. AFP PHOTO / JAY DIRECTO

Ikinadismaya ni Senate Committee on Public Service Chair, Grace Poe, ang aniya’y maraming mga pagkalugi dahil sa mga sunod sunod na power interruption sa ibat ibang bahagi ng ating bansa.

kabilang sa mga inihalimbawa ng senadora ay ang pagkalugi sa business at tourism sector sa ilang mga probinsya, katulad ng Iloilo province, Panay, at Negros

ikinagalit ng Senadora na wala man lang konkretong mga paraan o plano para matugunan ang nasabing problema, gayong maraming mga sektor ang apektado rito.

ibinunyag din ng mambabatas na makailang beses na siyang nakatanggap ng mga complaints o reklamo mula sa ibat ibang mga grupo, kasama na ang mga residente mula sa mga nabanggit na mga probinsya, kung saan pangunahin sa mga hinaing ng mga residente, ay ang kawalan o kakulangan ng akmang katugunan dito ng publiko.

Ani Sen. Poe, sa nakalipas na anim na buwan, ang mga nabanggit na probinsya ay nakakaranas ng maraming mga unscheduled power interruption at manaka-nakang mga pangmatagalan blackout, na minsan ay umaabot ng isang araw o 24 oras.

Matatandaang una nang inihain ni Sen. Grace Poe ng Senate Resolution 579 na humihiling sa kanyang mga kapwa Senador na imbestigahan ang mga power outages sa malaking bahagi ng Visayas, pangunahin dito ay ang Panay Province.

Kailangan aniyang makita o matukoy ang totoong dahilan ng mga grid disturbance na unang ibinalita ng National grid Corporation of The Philippines.