-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Sen. Bong Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsertpika nitong urgent sa Senate Bill No. 1844 o ang β€œAn act authorizing the President to expedite the processing and issuance of national and local licenses, permits, and certifications.”

Sinabi ni Sen. Go, kailangang maipasa agad ang nasabing panukalang batas para matulungan na makabangon ang ekonomiya at mapabilis ang public service delivery, lalo na sa panahon ng national emergencies gaya ng krisis na dulot ng COVID-19.

“I also wish to thank my fellow legislators, especially Senate President Sotto III, Senate President Pro Tempore Recto, Senator Lacson, Minority Leader Sen. Drilon and, of course, our Majority Leader and sponsor of the bill, Sen. Zubiri, for heeding President Duterte’s call to take necessary steps to curb corruption and simplify the requirements and steps in doing business in our country,” ani Sen. Go.

Kasunod ng sertipikasyon ni Pangulong Duterte, lusot na ang panukalang batas ngayong hapon sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado.