Hinimok ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang publiko na iwasan ang patuloy na paggamit ng single-use plastics at mas maging maingat sa pagtatapon ng basura.
Ang panawagan ni Legarda ay kasabay ng pagdiriwang ng Zero Waste Month
Sinabi ni Legarda, isa sa mga pangunahing mambabatas pagdating sa usapin ng climate justice, na kailangang muling suriin ng bansa ang kalagayan nito kasunod ng 28th UN Climate Change Conference (COP28) sa Dubai.
Alinsunod sa Proclamation No. 760, s. 2014, ino-observe ng Pilipinas ang Zero Waste Month tuwing buwan ng Enero.
Ayon sa proklamasyon, lahat ng local government units at mga sangay ng pamahalaan ay hinihikayat na sumuporta at makilahok sa mga gawaing kaugnay ng Zero Waste Month.
Kabilang sa landmark legislation na naipasa ni Legarda ang Republic Act No. 9003, or Ecological Solid Waste Management Act.
Ang nasabing batas ay nagpapataw ng mga parusa sa pagkakalat sa mga pampublikong lugar, pag-aangkat ng consumer products na gumagamit ng non-environmentally friendly materials, at marami pang mga gawaing hindi nakabubuti sa kalikasan.
Kabilang sa mga probisyon nito ang ecological solid waste management, na nagbibigay ng insentibo para sa mga sektor na sumusunod sa batas.
Isinulong din ni Legarda ang Expanded National Integrated Protected Areas System (E-NIPAS), na nagbibigay ng mandato na protektahan ang mga lugar na tahanan ng mga kakaibang flora at fauna.