-- Advertisements --
cropped gcta hearing senate committee

Todo ngayon ang panawagan ng isang senador sa mga local government units (LGUs) na tumulong para malabanan ang illiteracy sa Pilipinas.

Kasunod na rin ito ng lumabas sa education summit sa Baguio City na nasa apat lamang sa 10 estudyante, sa Grades 4 hanggang 7 na may edad 9 hanggang 12-anyos ang nakakabas nang maayos o nakakapagsulat ng English base sa resulta ng tests na isinagawa mula 2021 hanggang 2022.

Sa parehong tests, lumalabas na halos kalahati sa mga learners mula Grades 3 hanggang 7 na may edad walo hanggang siyam na taong gulang ay nakakapagbasa at nakakapagsulat ng Filipino.

Base sa survey, ang Cagayan province ay mayroong 12.72 percent o 29,529 sa 231,667 learners na naka-enorll sa public schools ang hindi pa rin marunong magbasa.

Ang literacy rate sa naturang probinsiya ay 49.52 percent base sa 2017-2018 Early Language, Literacy and Numeracy Assessment .

Base naman sa pag-aaral ng World Bank noong 2022, ang matagal na pagsasara ng mga paaralan ang siyang nagpalala sa learning inequality sa mga bata.

Partikular umanong naapektuhan dito ang mga batang mula sa lower socioeconomic backgrounds at iba pang disadvantaged groups.

Dahil sa naturang report, nais ngayon ni Senator Sherwin Gatchalian na ang mga local government units ang umalalay at magkaroon ng papel para matulungan ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral.

Base na rin ito sa Senate Bill No. 473 o ang National Literacy Council Act na siyang magtatalaga sa mga Local School Boards (LSBs) bilang de facto local literacy councils.

Layon din ng panukalang batas na mapatibay ang Literacy Coordinating Council (LCC) na magpapatuloy sa pagsisilbi bilang lead inter-agency coordinating and advisory body sa formulation at pagpapatupad ng mga measures para mapabilis ang universalization ng literacy.

Sa pamamagitan ng panukalang batas, aatasan din ang Literacy Coordinating Council na mag-formulate ng three-year roadmap para maabot ang illiteracy sa mga komunidad at Local School Boards na isang local roadmap base sa three-year roadmap ng council.

Bilang resulta naman ng pag-aaral, binigyang diin ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng komunidad para matulungan ang mga estudyante na hirap sa pagbabasa at pagsusulat sa English.

Habang si Cagayan Governor Manuel Mamba ay nag-isyu na rin ng Executive Order No. 1 na nagbibigay ng direktiba sa lahat ng local executives na suportahan ang Department of Education learning recovery plans.

“Ang isang batang hindi marunong bumasa ay problema ng buong bansa. Sa pagsugpo natin ng illiteracy, mahalaga ang papel ng ating mga lokal na mga komunidad (A child who can’t read and write is a nation’s problem. To fight literacy, the local community should play a big part),” sinabi ni Gatchalian.