Nagpahayag ng pagsuporta si Senate Committee on Basic Education Chairman Senador Sherwin Gatchalian sa bagong talagang Chairman ng Commission on Higher Education .
Si Chairman Dr. Shirley Agrupis ang pumalit kay dating CHED Chairman Prospero E. de Vera III.
Kumpyansa ang senador sa kakayahan nitong pamunuan ang komisyon dahil sa kanyang karanasan bilang university president .
Maganda rin aniya ang mga naging reasearch at academic background nito kaya’t kumbensido ang senador na magiging maganda ang pamamalakad nito bilang bagong chairman ng CHED.
Samantala, naniniwala si Gatchalian na mapapagbuti pa lalo ni Agrupis ang competitiveness ng higher education institutions ng Pilipinas sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Inaasahan rin ng senador na makukuha ng lahat mga nangangailangang estudyante ang benepisyo sa ilalim ng free higher education ng gobyerno.
Susuportahan aniya ng senador ang iba pang mga makabuluhang reporma ng CHED na layong mapataas ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.