-- Advertisements --

Binigyan ng pagkilala ng mga senador ang yumaong mambabatas na si Sen. John Henry “Sonny” Osmena.

Nitong Huwebes, nagdaos ang Senado ng necrological service, para gunitain ang malaking ambag sa bansa ng yumaong dating opisyal.

Si Osmena ay namayapa noon pang Pebrero 2, 2021 sa Cebu City, ngunit ngayon lamang nagkaroon ng pagkakataong madala ang abo nito sa Metro Manila.

Kabilang sa nagbigay ng mensahe sa naturang okasyon ang mga dati nitong nakasama sa mataas na kapulungan ng Kongreso na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III, dating Sen. Nikki Coseteng at Senate Minority Leader Franklin Drilon.