-- Advertisements --

Sa gitna nang mainit na debate ng mga senador sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, tiniyak ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na magco-convene ang Senado bilang impeachment court sa June 11,  huling araw ng sesyon ng 19th congress. 

Sa panayam, sinabi ni Escudero na kahit anong mangyari, magco-convene palagi ang impeachment court. 

Ito aniya ang pinagbotohan ng mga senador noong sandaling nagpulong sila para pag-usapan ang araw ng pagco-convene ng Senado bilang impeachment court. 

Aniya, dapat itong mangyari bago sila mag-adjourn sa kasalukuyang Kongreso at pumasok ang 20th Congress. 

Samantala, nanindigan naman ang pangulo ng Senado na magsisimula ang paglilitis laban kay Duterte sa pagpasok na ng panibagong Kongreso o 20th Congress. 

ito aniya ay dahil wala nang sapat na panahon kung saan giit nito na huli na nang maisumite ng kanilang counterpart sa Kamara ang verified impeachment complaint laban kay VP sara.