-- Advertisements --
Ipinagpaliban ng mataas na kapulungan ng Kongreso (Senado) ang kanilang mga nakatakdang aktibidad sa Lunes, Mayo 18, 2020 para magbigay ng respeto sa pumanaw na si dating Sen. Tessie Aquino-Oreta.
Dahil dito, isasagawa na lang ang pagdinig para sa COVID-19 response ng gobyerno sa darating na Martes (Mayo 19, 2020).
Bahagi ng tradisyon sa Senado na ilaan ang isang araw ng sesyon kapag may pumapanaw na dati o kasalukuyang senador.
Matatandaan na mismong ang anak ni Oreta na si Malabon Mayor Lenlen Oreta ang nag-anunsyo ukol sa pagpanaw ng kaniyang ina kagabi sa edad na 75.
Ang dating senadora ay kapatid ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr.