Hinimok ng mga Kongresista ang Senado na ikunsidera ang bersiyon ng House of Representative ang amyenda sa Agricultural Traffication Act na layong pababain ang presyo ng bigas at dagdagan ang buffer stock ng bigas.
Ang House Bill (HB) No. 10381, ay layong amyendahan ang Republic Act (RA) No. 8178, o ang Agricultural Tariffication Act, as previously amended by the Rice Tariffication Law, was slated for approval on third and final reading by the House of Representatives on Tuesday.
Umaasa naman si Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez na maglaan ng panahon ang Senado para talakayin ang panukalang amyenda sa Rice Tariffication Law.
Ilang mga senador hindi pabor sa nasabing panukala na ibalik ang mandato ng National Food Authority para makapagbenta ng bigas sa merkado at makpag import ng bigas dahil sa corruption issues.
Paliwanag ni Suarez na ang panukalang amyenda partikular ang isyu sa NFA ay hindi tungkol sa corruption kundi matiyak ang food security at ibaba ang presyo ng bigas,
Dagdag pa ni Suarez sakaling maisabatas at ma-implement sa mabilis na panahon agad mapapababa ang presyo ng bigas sa P15.00.
Hinikayat din House Assistant Majority Leader at Taguig 2nd District Rep. Amparo Maria “Pammy” Zamora na ikunsidera ang bersiyon ng Kamara.