-- Advertisements --
Hindi pipilitin ng Senado si Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng kaniyang mga ulat tungkol sa ginagawang hakbang ng gobyerno laban sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III, na hindi agad-agad at maaaring maantala ng bahagya ang pagbibigay ng update ng Pangulo.
Nakapaloob kasi sa Republic Act 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act na binibigyan ng karagdagang kapangyarihan ang Pangulo para sa pag-realign o pagre-program sa 2020 national budget para sa pagpondo ng proyekto.
Nakasaad din sa batas na dapat magsumite ng ulat sa Kongreso ang Pangulo kada Lunes para matiyak na ang kapangyarihang ibinigay sa kaniya ay nagagamit at hindi naaabuso.