-- Advertisements --
Binigyan ng pagkilala ng senado ang namayapang actress na si Cherrie Gil.
Ang Senate Resolution 109 ay inihain ni Senator Ramon Revilla Jr kung saan inisponsoran ni Senate Majority Leader Joel Villanueva.
Sa ginanap na plenary session, ay kinilala ni Villanueva ang naging kontribusyon ng namayapang actress sa entertainment industry ng bansa.
Dagdag pa ng senador na naging kakaiba ang ipinakitang professionalism, passion at dedikasyon ganun din ang pagtulong nito sa kapwa artista.
Lahat ng mga senators ay nag-co auhtors sa resolution bilang pagsuporta.
Magugunitang pumanaw ang actress dahil sa cancer noong Agosto 5 sa edad 59.