-- Advertisements --
Umatras na sa pagtakbo sa pagkapangulo ng US si Senator Bernie Sanders.
Isinagawa nito ang anunsiyo sa naging pulong niya sa kaniyang campaign staff kung saan ipinahayag na nito ang suporta kay dating Vice President Joe Biden.
Ang nasabing pag-atras ng 78-anyos Vermont senator ay matapos ang ilang beses na pagkatalo nito kay Biden sa mga naunang primary election ng Democrats.
Nagsimulang natalo ito sa South Carolina noong Pebrero na sinundan noong Marso sa Michigan at Florida.
Ito na ang pangalawang beses na sumubok sa pagtakbo si Sanders sa pagkapangulo ng US.