-- Advertisements --

Nanawagan si Senator Grace Poe ng mas magandang serbisyo sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA).

Sinabi nito na hindi na matapos-tapos ang reklamong naipaparating ng mga local at foreign travelers dahil sa mahinang serbisyo ng NAIA.

Nararapat na rin ang improvement ng paliparan dahil sa aabot na sa 47.8 miyon ang bilang ng mga pasahero na nagtutungo sa NAIA habang ang kapasidad nito ay hanggang 31 milyon lamang.

Bilang chairperson ng Committee on Public Services, mahalaga na tignan ito ng Manila International Airport Authority ang nasabing usapin.

Hinikayat din nito na dapat magpatupad na rin ang mga paliparan ng cashless payments para maiwasan ang pagsisiksikan.