-- Advertisements --

Nais panagutin ni Senator Grace Poe ang sinumang bumili ng tatlong train sets sa China na hindi compatible sa riles ng Philippine National Railways (PNR).

Sa ginawang pagdinig ng proposed P167.12 bilyon 2023 budge ng Department of Transportation na paparating na ang nabanggit na train set kung saan walang paglagyan ito dahil sa hinid magagamit sa PNR bunsod ng pagkakaroon ng masikip na riles ito.

Dumepensa naman si PNR General manager Jeremy Regino at sinabi nito na ang PNR board ang may desisyon sa nasabing pagbili ng mga train sets.

Noong 2019 ay pumasok ang gobyerno sa loan agreement sa China.

Kinausap na nila umano ang China na kung maari ay magkaroon ng adjustment para makapagkasya ito sa riles ng bansa.