-- Advertisements --
Nag-inhibit na sa paghimay sa isyu ng ABS-CBN franchise si Sen. Grace Poe.
Si Poe ay chairperson ng Senate committee on public services, at tumatalakay sa mga usapin ng prangkisa.
Ang kaniyang ina kasi na si Susan Roces ay regular na lumalabas sa teleserye ng nasabing network.
Bunsod nito, itinalaga na lamang ng senadora ang kaniyang vice chairman na si Sen. Sherwin Gatchalian para mamuno sa idaraos na hearing.
Matatandaang sinabi ni Poe noong Marso na mag-iinhibit sa pagboto para sa nasabing panukala dahil ang kanyang ina na si Susan Roces ay isa sa mga artista sa ABS-CBN.