-- Advertisements --

Pinuna ni Senator Grace Poe ang planong pagtaas sa pamasahe sa Light Rail Transit 1 at 2 simula Agosto 2.

Sinabi ng senador na dapat maramdaman ng mga pasahero ang magandang serbisyo at pasilidad ng tren bago sila magtaas ng singil.

Bilang chairperson ng Senate Committee on Public Services ramdam nito na isang pasakit para sa mga commuter ang nasabing dagdag singil ng LRT.

Bilang privately-owned company ang operator ng LRT 1 ay dapat itong mamuhunan para mapaganda ang serbisyo ng kanilang train system.

Habang ang LRT-2 ay dapat makita ng mamamayan na hindi nasasayang ang inilalaan na bilyong pondo mula sa gobyerno.