-- Advertisements --

Iginiit ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III ang pangangailangan para imbestigahan ang umano’y pagbabayad ng P100 kapalit ng lagda para sa niluluto umanong people’s initiative sa pagtatangkang amyendahan ang konstitusyon.

Ginawa ng Senador ang naturang panukala kasunod ng mga alegasyong idinulog ni Albay Rep. Edcel Lagman at Kabataan paryplist Rep. Raoul Manuel noong Lunes.

Punto pa ni Sen. Pimentel na anumang halaga kapalit ang pirma ay maituturing na suhol.

Saad pa ng Senador na maaari aniyang isagawa ang imbestigasyon na inisyatibo ng Kongreso, Philippine National Police (PNP), the National Bureau of Investigation (NBI), Department of the Interior and Local Government (DILG), at non-governmental organizations (NGOs).

Una ng isiniwalat ni Rep. Lagman na ilang kongresista umano mula sa supermajority coalition mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang naglunsad ng kampanya para sa charter change sa pamamagitan ng people’s initiative kung saan nagpatawag aniya nag mga alkalde mula sa kaniyang distrito ng pagpupulong noong nakalipas na Enero 5 kaugnay sa naturang agenda.

Kung saan ang mga botante na lalagda sa petisyon para sa people’s initiative ay bibigyan ng P100.