Reading Time: 1 minute

GENERAL SANTOS CITY – Umiwas muna si Sen. Manny Pacquiao nang matanong kaugnay sa posibleng pagtakbo paara sa mas mataas na posisyon sa 2022.

Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, sinabi nito na hindi pa nito pinag-iisipan sa ngayon ang mga plano nito sa politika sa darating na panahon dahil nakatutok muna siya sa trabaho sa Senado at maghihintay lamang sa balak sa kaniya ng Panginoon.

Ayon sa senador, sa ngayon ang isa sa kanyang mga tinututukan bilang mambabatas ay ang isyu kaugnay sa P8.7 billion road right-of-way (RROW) “scam sa GenSan.

Ania, nagpapatuloy ang imbestigasyon nila sa nasabing isyu kung saan marami nang nakasuhan.

Samantala, binati ni Sen. Pacquiao ang ilang mga kaanak nito na nanalo sa eleksyon.