Nagpahayag ng suporta si Senator Imee Marcos sa pagpapalawig ng anim na taong termino sa mga barangay officials at Sangguniang Kabataan members mula sa tatlo ay gagawin itong anim na taon.
Sinabi ni Marcos, na chair ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation, na mas gusto rin nitong ma-postpone ang December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa May 2023 o isang taon matapos ang national elections.
Mula dito ay ipinanukala ni Marcos na ang mga barangay at SK officials ay magsisilbi na ng anim na taon.
Ginawang dahilan dito ng senadora ang sinasabing concern pagdating sa pondo ng halalan.
Maliban dito ay maiksi din umano ang tatlong taong termino ng mga local officials.
Kung maalala, noong buwan ng Agosto ay naghain ang presidential sister ng Senate Bill 1195 para maamiyendahan ang Republic Act No. 7160 o ang The Local Government Code Of 1991.
Sinabi ng senadora na mayroon daw pangangailangan na ma-extend ang termino ng mga barangay at SK officials sa anim na taon para siguruhin ang “continuity” at “stability” sa kanilang mga plano at mga programa.