Umaasa si Senator Leila De Lima na makakalabas siya sa PNP custodial center bago mag Biyernes Santo.

Ito ang inihayag ni Father Robert Reyes matapos nitong pangunahan ang isang misa kahapon sa PNP Custodial Center na dinaluhan ng senadora bilang pag-gunita ng Ash Wednesday kahapon.

Sinabi ni Reyes, nananalig si De Lima na kakatigan ng Supreme Court ang request para sa TRO ng kanyang mga abogado na magiging daaan sa kanyang paglabas sa piitan.

Si Father Reyes ang nagsisilbing spiritual adviser ni De Lima na maayos naman ang lagay ng senadora sa loob ng piitan at aniya tila unti-unti nang natanggap ang kanyang kapalaran.

Sa ngayon, pangunahin umanong concern ng senadora sa loob ng piitan ang pag gain ng timbang kung kaya gumagawa ito ng paraan para mag exercise.

Pero aniya, hindi parin napipigilang lumuha ng senadora sa dalawang pagkakaton na nag-deliver siya ng homily sa misa sa loob ng custodial center.