Kinumpirma ni Senate President Miguel Zubiri na nagpositibo rin sa COVID-19 si Sen. Imee Marcos.
Ayon kay Zubiri nagpaabot umano ng sulat si Imee upang ipaalam ang kanyang kalagayan.
Kabilang umano sa kahilingan pa ng senadora ay kung maari ay mag-online na lamang siya o virtual bunsod ng nararamdaman niyang trangkaso.
Nilinaw naman ng Senate presidente na hindi naman kailangan pa ng mambabatas na makibahagi sa pamamagitan ng camera o video kundi pwede sa pamamagitan ng boses o audio.
Kung maalala noong nakaraang linggo lamang ay nagpositibo rin sa COVID si Sen. Alan Peter Cayetano, habang ilang senador ang sumailalim din sa quarantine matapos ang exposure.
Kung maalala rin kamakailan lamang ang kapatid ni Imee na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay gumaling na rin makaraan na kapitan sa ikalawang beses ng COVID-19.