Naghain ng isang resolution si Senator Imee Marcos na humihiling sa Senado na magsagawa ng inquiry sa request ng Amerika sa gobyerno ng Pilipinas para pansamantalang kupkupin sa bansa ang ilang Afghanistan nationals na mayroong special immigrant visa applications.
Sa paghahain ng Senadora ng Senate Resolution 651, kinuwestyon nito ang ginawang request ng Amerika sa Pilipinas sa halip na sa ibang bansa na mas malapit sa Afghanistan.
Sinabi din ng mambabatas na mayroong ibang mga bansa na better-equipped sa pag-accommodate ng foreign nationals kayat di naiwasang kwestyunin ng Senadora ang tunay na intensiyon at layunin ng Amerika sa request nito.
Nagbabala din si Marcos na mayroong substantial risk na ang mga indibdiwal na nagpapakita ng banta sa national security at public safety sa pagpapapasok at pagkupkop sa mga ito sa bansa.
Iginiit din ng Senadora na sa nagdaang mga taon, tumaas ang banta sa seguridad at pag-iispiya dahil sa umiigting pang tensiyon sa pagitan ng super power countries. Kayat nangangailangan aniya na mas maging maingat sa pagtanggap ng mga refugees partikular na ang pagpasok ng ibang lahi sa bansa na pinagasiwaan ng isa sa super power country.
Inaasahan na tatalakayin ang naturang resolution kapag nagpulong ang Senado at House of Representatives sa ikalawang regular session ng 19th Congress sa Hulyo 24, ang araw ng pag-convene ng parehong kapulungan ng Kongreso sa Batasan Pambansa Compelx sa Quezon city para sa inaabangang ikalawang State of the Nation Address ng Pangulo.