Nabigo si Senator Imee Marcos Jr. na mabisita si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa loob ng detention cell nito sa ICC.
Si Marcos ay kasama ni VP Sara Duterte at ina ng bise na si Elizabeth Zimmerman na nagtungo sa Qatar bago lumipad patungo sa The Hague, Netherlands para bisitahin ang dating pangulo.
Sa kabila nito ay nakapasok naman ang bise at ang unang asawa ni FPRRD na si Elizabeth Zimmerman.
Masaya umanong naghihintay ang dating pangulo sa pagdating nilang dalawa sa loob ng kanyang detention facility.
Ang pagbisita ng bise ay ginawa upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ng kanyang ama.
Hinarap rin ng bise ang kanilang mga taga suporta at nagpaabot ng taos pusong pasasalamat dahil sa walang sawa nitong suporta sa kanilang pamilya.
Mananatili si VP Sara sa The Hague hanggang Hunyo 4 kung saan ito rin ang araw ng kanyang biyahe pabalik ng bansa.