-- Advertisements --
Itinanggi ni Senator Imee Marcos ang mga ulat na kumalat sa social media na pumanaw na ang ina nito na si dating First Lady Imelda Marcos.
Ayon sa Senador na noon pang nakaraang linggo ay kumalat na ang nasabing pekeng balita.
Maging ang pamangkin ng dating unang ginang na si Eliza Romualdez-Valtos ay nagpost ng larawan sa social media at pinabulaanan ang mga kumalat na balita.
Tinawag nito ang nasabing usapin na isang fakenews.