-- Advertisements --
Nangako si Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon na hindi ito lilihis sa tunay na layunin ng Senate inquiry, sa kabila ng paghahadlang dito ni Pangulong Rodrigo Duterte at maging ng ilang kongresista.
Ayon kay Gordon, mananatili ang layunin ng komite na malaman ang mga katiuwalian, mag-rekominda ng kaso kung kinakailangan.
Emosyunal namang nagpasalamat si Gordon sa suporta ng kaniyang mga kasamahan sa Senado.
Pero mabigat naman ang naging buwelta ni Sen. Christopher “Bong” Go, na nagsalita rin sa hearing.
Binatikos nito at minura pa ang mga pilit daw nag-uugnay kay pangulong Duterte sa Pharmally.
Aniya, kung may ebidensya laban sa naturang kompaniya ay magsampa na lang ng pormal na kaso.