-- Advertisements --

Hinikayat ni Sen. Bong Go ang education sector na gumawa ng mga paraang sang-ayon sa ipinaiiral na COVID-19 health protocols ang pagtuturo sa mga mag-aaral sa nalalapit na pagbubykas ng school year 2020-2021.

“Pag-isipan na po natin paano makakapag-aral ang mga kabataan na may social distancing at iba pang mga hakbang na ipapatupad depende sa sitwasyon sa mga lugar nila,” ani Sen. Go.

Sinabi ni Sen. Go na hindi pa natin alam kung ano ang mangyayari sa susunod na mga buwan pero inisikap ng gobyerno na ma-flatten na ang curve at matapos na ang krisis na ito.

Ayon kay Sen. Go, dapat paghandaan kung papaano magpapatuloy ang ating pamumuhay sa panahon ng ‘new normal’ at kailangang maglatag na ng kailangang policies and protocols.

Iginiit ng senador na kailangang matiyak na makapag-aral ang kabataan habang patuloy nating nilalabanan ang COVID-19.

Kaugnay nito, hinimok ng mambabatas ang mga educational institutions na pag-aaralan ang mga paraan gamit ang teknolohiya gaya ng online o distance learning programs para sa mga estudiyante at sa pamamagitan nito, magpapatuloy ang kanilang pag-aaral na hindi sila nalalagay sa panganib ng COVID-19.

“Hindi naman po pwedeng tumigil ang kanilang pag-aaral,” Go said, adding that “schools must also prepare their facilities and lay down protocols in preparation for the possible scenarios that students, teachers and education personnel will face when classes resume.”