Umapela si Sen. Bong Go sa lahat ng government agencies na ibigay ang kaukulang assistance sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na stranded sa Metro Manila para ligtas na makauwi sa kanilang mga lalawigan sa gitna ng COVID-19 crisis.
Hinikayat din ni Sen. Go ang mga ahensya na tiyaking nasusunod ang mga health protocols at magkaroon ng maayos na koordinasyon sa mga local government units (LGUs) sa pagbiyahe ng mga OFWs.
“I am urging concerned agencies in the Executive branch to make sure that for every Filipino we send home to their provinces, the necessary health protocols are followed and proper coordination with their home LGUs are implemented in order to avoid health risks and confusion upon their arrival,” ani Sen. Go.
Ginawa ni Sen. Go ang apela bilang suporta sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) na dapat magsagawa ng kaukulang koordinasyon ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga para maiwasan ang aberya sa pag-uwi ng mga OFWs sa kanilang mga lalawigan.
Kaugnay nito, umapela rin ang mambabatas sa mga LGUs na tanggapin at huwag pagsarhan ang mga nagbabalik na mga OFWs dahil sila raw ay mga bagong bayani at kailanbang tulungan ngayong panahong naghihirap sila.
“Tanggapin po natin sila, lalo na sa kanilang mga bayan. Sila po ang ating modern-day heroes na nagtatrabaho at nagpapakamatay po sa ibang bansa. Tulungan po natin sila lalo na sa panahon ngayon na naghihirap sila.”