-- Advertisements --

Nanguna si Sen. Bong Go sa Pahayag survey na isinagawa ng Publicus Asia Inc. para sa presidential at vice presidential race.

Nakakuha ang senador ng 23.6 percent rating, sumunod si Doc Willie Ong na may 19 percent at Senate President Tito Sotto, 17.3 percent.

Pang-apat si Senador Kiko Pangilinan sa 12.3 percent at sumunod si Buhay party-list Rep. Lito Atienza na may 2.6 percent.

May kabuuang 1,500 respondents ang sumagot sa isinagawang survey noong October 11 hanggang October 18, 2021.

-- Advertisement --