-- Advertisements --

Inihain ni Sen. Bong Go na siyang chairman ng Senate Committee on Health and Demography ang Senate Bill No. 1259 o “Mandatory Quarantine Facilities Act of 2020” na nagmamando sa pagtatatag ng quarantine facilities sa bawat rehiyon at dapat malapit ito Department of Health-managed public hospital.

“Let us learn from this COVID-19 experience. Ngayon palang, habang nilalabanan natin ang sakit na COVID-19, i-handa na rin natin ang bansa sa anumang krisis na maaaring dumating,” ani Sen. Go.

Sinabi ni Sen. Go na krusyal sa bawat lokalidad o rehiyon na magkaroon ng sariling quarantine sites para ma-accommodate ang mga high-risk individuals na posibleng may infectious disease.

Ayon kay Sen. Go, dapat lamang na maging proactive tayo at umpisahan nang maglatag ng mga measures na magtitiyak sa ating kahandaan sa mga darating pang krisis gaya nito.

Sa kanyang explanatory note sa panukalang batas, isinaad ni Go ang World Health Organization (WHO) guidelines and recommendations sa paglaban sa mga pandemics na nagsasabing ang paghihiwalay ng mga taong mayroon o exposed sa seryosong nakakahawang sakit ay napatunayan ng epektibong public health strategy para maiwasan ang pagkalat nito.

“This isolation mechanism should be part of the standard precautions that should be taken to prevent the spread of any infectious disease,” Go further states, adding that with the continuing emergence of infectious diseases, “there is a pressing need to establish quarantine facilities in the country.”