Ibinahagi ni Senate committee on health chairman at dating special assistant ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Sen. Bong Go ang “near-death experience” nito sa pagsakay sa chopper sa Basilan nitong weekend.
Nabatid na nagtungo ang grupo ni Go sa nasabing lugar para sa launching ng ika-136 na Malasakit Center.
Kwento ng senador, kabilang sa kanilang byahe ang Labuan General Hospital sa Zamboanga City, ngunit habang patungo sa Basilan General Hospital sa Isabela City, Basilan, doon na umano nagka-aberya ang kanilang sinasakyang chopper.
Pero mabuti na lang at walang seryosong nasaktan sa pangyayari.
Sinabi ni Go na maluwag sa loob na pumanaw habang ginagampanan ang trabaho, ngunit wala naman talagang nakababatid kung kailan tayo kukunin ng Maykapal.