Hinimok ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ang pamahalaan na ipagpatuloy ang paggiit sa interes ng Pilipinas kasunod ng insidente sa Ayungin Shoal na kinasangkutan ng Chinese Coast Guard.
“Ang sa Pilipinas ay para sa Pilipinas,” sabi ni Senador Go, kasabay ng pahayag na ang Ayungin Shoal ay isang mahalagang bahagi ng bansa. “Ipaglalaban natin ang ating karapatan sa bawat parte ng ating bayan sa tama at mapayapang paraan. Iurge our government to continue asserting our national interest in light of the recent incident in Ayungin Shoal, an integral part of the Philippines,” ani Go.
Una nang nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte ng matinding pag-aalala sa nangyaring inside sa Ayungin Shoal kamakailan sa kanyang pagsasalita sa ASEAN-China Special Summit para gunitain ang 30th Anniversary of Dialogue Relations.
Sa video conference, nanawagan ang Punong Ehekutibo sa lahat na pigilin ang sarili at iwasang palalain ang tensyon.
Sinegundahan ito ni Senador Go sa pagsasabing ang insidente sa Ayungin Shoal ay maituturing na oportunidad sa lahat, na tinukoy niya bilang “responsible members of the international community,” na tuparin ang kanilang mga pangako at responsibilidad sa ilalim ng international law.
“We are all responsible members of the international community. And I urge all stakeholders to exercise restraint and abide by their commitments and responsibilities under international law Pagkakataon ito na maipamalas ng lahat ng bansa rehiyon sa peaceful settlement of disputes,” pagbibigay diin pa ni Go.