-- Advertisements --
Ipagpapatuloy pa rin ni Senator Jinggoy Estrada ang kaniyang trabaho bilang mambabatas hanggang ang hatol ng Sandiganbayan ay maging final and executory.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, na kaniyang nirerespeto ang desisyon nng Sandiganbayan sa kasong inihain laban kay Estrada.
Kinikilala din ng senado na mayroong mga remedyo para kay Estrada base sa ipinapatupad na batas at ang Rules of Court.
Ilan sa mga inihalimbawa nito ay maaring maghain ang senador ng Motion for Reconsideration sa Sandiganbayan.
Magugunitang pinasawalang bisa ng Sandiganbayan si Estrada sa kasong plunder subalit napatunayan itong guilty sa direct at indirect bribery.










