-- Advertisements --
Ilalabas na ngayong linggo ang ulat ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs tungkol sa imbestigasyon sa e-sabong.
Inirerekomenda ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na i-regulate ang operasyon ng e-sabong imbes na ipahinto ito dahil sa malaking kita ng gobyerno na nakukuha sa nasabing sugal.
Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil sa nasabing sugal dahil sa may negatibong social impact ang e-sabong sa mga Pinoy.
Nauna nang naiulat ang 34 na mga missing sabungero, pulis na nangholdap ng gasolinahan, at inang ibinenta ang sariling anak matapos mabaon sa utang dahil sa e-sabong.
Nilinaw naman ni Dela Rosa na suportado niya ang kautusan ni Pangulong Duterte.