-- Advertisements --

Nakabalik na sa PNP Custodial Center sa Camp Crame si Senator Leila de Lima matapos na sumailalim siya sa operasyon.

Mula sa Manila Doctors Hospital ay sumakay ito sa coaster van ng PNP at dinala sa camp crame.

Nauna rito pinayagan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 ang senador para sa kaniyang medical furlough mula June 19 hanggang 25.

Dumating ito sa Manila Doctors Hospital noong June 20 at sumailalim siya sa major surgical procedure.

Magugunitang noong 2017 ng makulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame ang senador dahil sa alegasyon na pagpayag nito ng pagkalat ng iligal na droga sa New Bilibid Prison noong ito ay Department of Justice (DOJ) Secretary.