-- Advertisements --

Makakatanggap ang $1-milyon ang store owner sa US kung saan nabili ang winning ticket ng US Powerball.

Si Joseph Chahayed ay siyang may-ari ng store sa Altadena, California ay nakabenta ng ticket na nagwagi ng record breaking na $2.04 bilyon jackpot.

Dagdag pa nito na hindi niya kilala kung sino ang masuwerteng nakabili ng winning ticket at umaasa ito na naninirahan lamang ito sa nasabing lugar.

Plano nito sa makukuha niyang $1-M na bigay ng Powerball ay itutulong niya sa kaniyang mga anak.

Nabili ang Powerball ticket ng $2 at ang nanalo ay maaaring mamili kung minsanan niya makukuha ang premyo na $997.6-M bawas na ang buwis o babayaran siya ng buo ng jackpot kada taon sa loob ng 29 taon.