-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 ang singer na si Selena Gomez.
Sa kaniyang social media account, nagpost ito ng video at sinabing nakaranas siya ng mild symptoms ng nasabing virus.
Kasabay din nito ay pinaalalahan niya ang kaniyang fans na hindi pa rin dapat ipagsawalang bahala ang nasabing virus.
Pinayuhan niya ang mga fans na dapat ay maging maingat pa rin dahil sa hindi pa natatanggal ang banta ng virus.
Nagpaabot naman ng kanilang mga pagdarasal ang kapwa singer at artista nito kung saan hangad nila ang mabilisang paggaling niya.