KALIBO, Aklan–Naging payapa ang pagsalubong ng bagong taon sa mainland Malay at isla ng Boracay.
Ito ay base sa initial assessment ng Coast Guard Station (CGS)-Aklan ngayong unang araw ng taong kasalukuyan.
Ipinihayag ni ENSIGN Eulogio Quinto III, Deputy Commander for Administration ng CGS-Aklan na nagsimula sila sa pagdeploy ng kanilang mga floating assets kahapon upang magsagawa ng seaborne patrol operation sa isla.
Layunin nito na masiguro ang kaligtasan ng mga turistang mas pinili na i-celebrate ang bagong taon sa isla at maiwasan ang anumang insidente.
Napag-alaman na bumuhos ang parehong local at foreign turist sa Boracay ngayong holiday season.
Maliban dito, patuloy rin na naka-alerto ang mga inilatag na passenger assistance center ng CGS-Aklan para sa mga pasaherong papasok at palabas ng Aklan.
Mula umano noong Pasko ay naka-intensify na ang kanilang deployment na magtatagal hanggang Enero 7.
Ipinasiguro rin nito na patuloy sila sa pagbibigay ng serbisyo at pagbantay kahit sa pagtapos ng mga selebrasyon.










