CAUAYAN CITY- Naging mahigpit ang ipinapatupad na seguridad ng mga otoridad sa mga paliparan sa Taiwan sa pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Gina Lin, isang taiwanese resident and OFW advocate, na low profile ang pagbisita ni Pelosi sa naturang Bansa.
inaasahang bababa si US house Speaker Pelosi sa Taichung airport bago nagtungo sa Taoyuan International Airport.
Nakatakdang makipagpulong ngayong araw si Pelosi kay Taiwanese President Tsai Ing-wen kasama ang kongreso.
Sa ngayon ay wala namang anumang hidwaan ang Taiwan at US.
Kinukumbinsi ng US ang Taiwanese Government na bumili ng mga armas sa kanila at pagpapalawig sa mandatory military service ng mga kabataan.
Matatandaang una nang nagbabala ang Chinese Government sa Estados Unidos at nanindigan na ipagpapatuloy nito ang military drill sa Fujian.