-- Advertisements --

Hustisya ang hiling ng kaanak ng security guard na nasawi matapos umano mahulog mula sa Lusail Stadium ang isa sa venue ng FIFA World Cup sa Qatar.

Itinakbo pa sa pagamutan ang Kenyan na si John Njau Kibue subalit matapos ang tatlong araw ay pumanaw na ito.

Sinabi naman ng organizers na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon.

Ayon sa pamilya ng biktima na nitong Nobyembre lamang lumipat sa Qatar si Kibue bago magsimula ang torneo.

Si Kibue ang siyang pangalawang migrant worker na nasawi mula ng magsimula ang World Cup.

Magugunitang isang Filipino ang nasawi habang nag-aayos sa training base ng Saudi Arabia team.
Mula ng maiaward aniya sa Qatar ang World Cup noong 2010 ay aabot na sa 6,500 migrant workers ang nasawi.