LAOAG CITY – Tagumpay na naaresto ang isang security guard ng DPWH 1st Engineering Dictrict ng Ilocos Norte sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. 7-B Laoag City.
Nakilala ang suspek na si Jason Mamuad y Jovila, 37-anyos, may live-in partner at residente ng Brgy. 9, San Nicolas.
Nakumpiska mula sa suspek ang nagamit sa transaksyon na isang plastic sachet na naglalaman ng hinihalang shabu at isang libong piso na buybust money maliban kasama na ang personal na pera nito.
Maliban sa nagamit na iligal a droga sa transaksyon ay nakumpiska rin ng mga otoridad ang dagda na limang sachet ng hinihinalang shabu mula sa sling bag ng suspek.
Samantala, sa paliwanag ng suspek sa Bombo Radyo Laoag, umanoy nailagay sa kanyang bulsa ang iligal na droga.
Sinabi nito na may susunduin siya nag isang babae hindi niya kakililala ngunit kausap sa chat at ihahatid sana nito bago pumasok sa trabaho ngunit bigla na lamang hinuli ng mga otoridad.
Aniya, nakahanda itong sumaillim sa drug test upang mapatunayan na wala siyang kinalaman sa iligal na droga.
Sa kabila nito, lumalabas na ang nasabing suspek ay High Value Individual at miembro ng isang drug group sa probinsya.