-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO- Pinahirapan bago pinatay ang isang security guard sa siyudad na Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Leanne Orinday,32 anyos,isang tomboy at residente ng Brgy Rosary Heights 8 Cotabato City.
Natagpuan ang bangkay ng sekyu na palutang-lutang sa ilog sa Brgy Tamontaka Mother ng lungsod.
Nagtamo ng pasa at mga sugat sa likod ang biktima palatandaan na pinahirapan muna ito bago pinatay.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa motibo sa pagpatay ng Security Guard ng Notre Dame University










