Nag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang security guard na nang-hostage ng doktor sa East Avenue Medical Center noong Miyerkules, June 1.

Kinumpirma ang ulat ni Quezon City Police District director B/Gen. Ronnie Montejo sa isang panayam, matapos umanong uminda ng pagkahirap sa paghinga.

Agad daw dinala ng pulisya ang nasabing security guard sa Quirino Memorial Medical Center kung saan natukoy na positibo ito sa COVID-19.

Kung maaalala, nakuhanan ng video ang pangho-hostage ng nasabing guard sa isang doktor noong alas-5:00 ng umaga ng Miyerkules.

Hindi naman daw ito nanghingi ng kung anong kapalit at agad pinakawalan ang biktima, at ang syringe na ginamit pantutok.