-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Sugatan ang isang sekyu sa pamamaril sa Kidapawan City alas 6:00 nitong gabi ng linggo.
Ayon sa ulat ng pulisya ang dalawang sekyu ay nakatalaga sa gate 1 ng Notre Dame of Kidapawan College.
Ginising umano ng biktima ang suspek na posibling naalimpungatan at namaril.
Agad namang nagresponde ang mga pulis at rescue 911 kung saan dinala ang biktima sa pagamutan na tinamaan sa kanyang mukha.
Nilinaw naman ng NDKC na hindi nila empleyado ang dalawang segurity guard at nakipag-ugnayan na sila sa Security Agency para hindi na maulit ang insedente kung mariin nila itong kinondena.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kidapawan City PNP at pinaghahanap ang suspek na tumakas matapos ang pamamaril.










