-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nakadeploy na ang security forces sa isla ng Boracay at mainland Malay upang tikayin ang kaligtasan ng mga delegado ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) 3rd Digital Ministers Meeting (ADGMIN) at ASEAN Digital Senior Officials (ADGSOM).

Pinangunahan ni PBGen. Limuel E Obon, Ex-O, Directorate for Operations ang isinagawang send-off ceremony ng security forces sa Barangay Manocmanoc sa isla ng Boracay.

Kabilang sa mga miyembro ng task force ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coastguard, Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, Bureau of Fire Protection, Department of Health at Municipal Health Office upang tiyakin ang seguridad ng mga ASEAN foreign ministers, delegates at mga bisita na papasok sa isla.

Ang iba’t ibang aktibidad ay magsisimula sa araw ng Lunes, Pebrero 6 hanggang 10, 2023 na pangungunahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Nasa 150 mga delegado mula sa sampung ASEAN members ang inaasahang dadalo sa nasabing meeting kung saan, layunin nito na palakasin ang digital skills at digital transformation sa nasabing mga bansa.