-- Advertisements --
House of Representative kamara

Hinimok ng isang kongresista ang iba’t ibang blocs o grupo sa Kamara na pahintulutan ang kanilang mga miyembro na bumoto sa speakership race sa pamamagitan ng secret voting.

Ayon kay Caloococan Rep. Edgar Erice, lahat naman kasi ng mga major contenders para sa speakership race, na sina Leyte Rep. Martin Romualdez, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, ay kilalang solid supporters ni Panglong Rodrigo Duterte.

Pawang qualified aniya ang mga ito at may kanya-kanya ring natatanging leadership skilss.

“Let them win the hearts and minds of members of the House. I also suggest that voting for Speaker be conducted by secret balloting,” ani Erice.

Noong Martes lang inanunsyo ng anak ng Presidente na si Davao City Rep. Paolo Duterte na posibleng tumakbo na rin siya sa speakership race sa oras na isusulongng mga kongresista ang “term sharing” para rito.

Subalit ang kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ng Hugpong ng Pagbabago party ay iba ang iniendorso.

Para sa alkalde, para maresolba ang mga “conflict” sa pagitan ng mga kandidato, at para na rin sa delicadeza, kanilang inindorso si Davao City Rep. Isidro Ungab para maging lider ng Kamara sa 18th Congress.

Si Ungab ay four-term congressman, at tanging mambabatas na naging chairman ng committee of Ways and Means at Appropriations.